A haven of my thoughts and imagination at its finest!

Tuesday, October 22, 2013

Ano ang ideal lovelife mo? (Inspired by Kuya Marcelo Santos III)

10/22/2013 02:01:00 AM Posted by Abby ♡ , , , , No comments
Ano ba ang ideal lovelife na gusto mo?

Isang normal na gabi. Walang pagbabago. Sembreak ko kasi kaya ang lakan ng loob ko mag-puyat. Kagaya ni ginagawa ko gabi-gabi, ang hilig ko lang gawin ay ang mag-scroll at magmasid-masid sa newsfeed ko sa Facebook.

Nung pinindot ko yung logo ng Facebook para ma-refresh yung page, napangiti ako sa nakita kong unang-una sa lumabas sa tuktok ng newsfeed ko. Nakita ko yung post ni Kuya Marcelo Santos III. Siya yung writer ng “Para Sa Hopeless Romantic” na gustong-gusto ko. Sino ba naman ba kasing hindi matutuwa sa post niya? (more likely, sa MGA post niya) Kasi naman… Mapapaisip ka talaga sa bawat post niya. Eh… Kung ito ba naman ba yung tumambad sa’yo hindi ka mapapaisip at mapapangiti? :”>




Dahil sa post niyang ‘yan… Napaisip ako ng malalim. Ano nga ba ang ideal lovelife ko? Syempre lahat naman tayo may gustong kalabasan yung gusto natin maging relasyon diba? Dahil sa tanong niya… Napaisip ako ng malalim. Ewan ko ba pero tinamaan ako ng tagos sa puso ng post niya eh.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mamili ng ideal type ng lovelife… Ano nga ba pipiliin ko? Ayan na siguro yung mga tanong na tumatakbo sa utak ko habang nag-iisip ng pwedeng isagot sa tanong ni Kuya Marcelo. Hindi ako mag-comment sa post niya sa Facebook kasi naisip kong gawin itong post na ‘to. :)

Marami akong gustong pagbasehan ng ideal lovelife ko. Iisa-isahin ko nalang.

Unang “ideal” lovelife ko siguro yung kay Basha at Popoy sa One More Chance. :) Ang cheesy siguro ng dating pero gusto ko lang talaga ng attack ng love story nila. Yung tipong maganda yung relasyon nila nung umpisa na almost perfect na kaso biglang nagkagusot sa kanila na umabot sa hiwalayan. Yung naghiwalay sila pero ramdam mo na kahit sobrang tagal na nandoon pa din yung care factor nila sa isa’t-isa.

Isa pa sigurong masasabi kong ideal lovelife ko yung kwento nila Jamie at Landon sa A Walk To Remember. Yung feeling na magte-take ng risk yung isang tao na mahalin ka kahit na alam niya yung sitwasyon mo at pwede mo siyang iwan sa isang iglap lang. Yung feeling na gagawin lahat ng isang lalake yung lahat mapasaya ka lang. Makita ka lang niyang makangiti at masaya na siya na alam niyang ganun ka dahil sa mga ginagawa niya. Siguro yung tipo lang ng lalake na alam mo na kahit anong mangyari nandiyan pa rin siya sa tabi mo at kasama mong lumalaban kahit na minsan eh siya na yung lumalaban para sa’yo. Yung lalakeng hindi ka susukuan.

Isa pa siguro yung mga kwento sa Wattpad na published na ngayon tulang ng kwento ni Athena at Kenji ni Ate Bianca na She’s Dating The Gangster pati yung kay Stephen at Naomi sa Operation: Break Cassanova’s Heart pati na din yung kay Lance at Miyuki sa Sadist Lover [Trilogy] (Lahat ng kwentong binanggit ko published na. Yung SDTG si Ate Bianca Bernardino ang Author while sa OBTCH si Alyloony tapos sa SL si Aril Daine). Siguro pinili ko yung mga kwentong yan na masasabi kong “ideal lovelife” ko yung sa mga character kasi halos pare-parehas sila ng simula. From mere strangers to friends to being lovers to heartbreaks to winning the girl back to everlasting love. :) Siguro gusto ko lang yung idea na gagawin talaga ng kahit sino yung lahat para sa pag-ibig. :D
Siguro marami tayong naiisip na ideal lovelife natin. Marami na rin kasing stereotype na nagiging basis natin na ayun yung gusto natin. Siguro ako kahit na may mga naisip akong ideal lovelife ko, meron pa rin sa part ko na kontento na ako sa kung ano man yung dumating para sa akin. Siguro mahabang biyahe yung tatahakin ko kasama yung taong mahal ko at kagaya ng mga nasabi ko sa ideal lovelife ko, marami din kaming pagdadaanan na maaaring maging maganda o masalamuot na karanasan kasama ang isa’t-isa pero siguro sa isang bagay ako pinaka-sigurado. Sigurado ako na hindi ako bibitiw hangga’t kaya ko pa at ipaglalaban ko yung taong mahal ko. Yun naman lagi pagdating sa pagmamahal eh. Tama ba? Hahaha

So… Sa tanong ni Kuya Marcelo kung ano yung ideal lovelife ko? Ang pinaka-isasagot ko ay…

ANG IDEAL LOVELIFE KO AY YUNG LOVELIFE NA INSPIRED AT GAWA NI GOD. <3


Eh ikaw ba? :) Ano ideal lovelife mo? :3 Kwento na!!!!! :""""">

0 comments:

Post a Comment