Ano
ba ang ideal lovelife na gusto mo?
Isang normal na
gabi. Walang pagbabago. Sembreak ko kasi kaya ang lakan ng loob ko mag-puyat.
Kagaya ni ginagawa ko gabi-gabi, ang hilig ko lang gawin ay ang mag-scroll at
magmasid-masid sa newsfeed ko sa Facebook.
Nung pinindot ko
yung logo ng Facebook para ma-refresh yung page, napangiti ako sa nakita kong
unang-una sa lumabas sa tuktok ng newsfeed ko. Nakita ko yung post ni Kuya
Marcelo Santos III. Siya yung writer ng “Para
Sa Hopeless Romantic” na gustong-gusto ko. Sino ba naman ba kasing hindi
matutuwa sa post niya? (more likely, sa
MGA post niya) Kasi naman… Mapapaisip ka talaga sa bawat post niya. Eh…
Kung ito ba naman ba yung tumambad sa’yo hindi ka mapapaisip at mapapangiti? :”>
Dahil sa post
niyang ‘yan… Napaisip ako ng malalim. Ano nga ba ang ideal lovelife ko? Syempre
lahat naman tayo may gustong kalabasan yung gusto natin maging relasyon diba?
Dahil sa tanong niya… Napaisip ako ng malalim. Ewan ko ba pero tinamaan ako ng
tagos sa puso ng post niya eh.
Kung bibigyan ako ng pagkakataon na mamili ng ideal type
ng lovelife… Ano nga ba pipiliin ko? Ayan na siguro yung mga tanong na
tumatakbo sa utak ko habang nag-iisip ng pwedeng isagot sa tanong ni Kuya
Marcelo. Hindi ako mag-comment sa post niya sa Facebook kasi naisip kong gawin
itong post na ‘to. :)
Marami akong
gustong pagbasehan ng ideal lovelife ko. Iisa-isahin ko nalang.
Unang “ideal”
lovelife ko siguro yung kay Basha at Popoy sa One More Chance. :) Ang cheesy siguro ng dating pero gusto ko lang
talaga ng attack ng love story nila. Yung tipong maganda yung relasyon nila
nung umpisa na almost perfect na kaso biglang nagkagusot sa kanila na umabot sa
hiwalayan. Yung naghiwalay sila pero ramdam mo na kahit sobrang tagal na
nandoon pa din yung care factor nila sa isa’t-isa.
Isa pa sigurong
masasabi kong ideal lovelife ko yung kwento nila Jamie at Landon sa A Walk To Remember. Yung feeling na
magte-take ng risk yung isang tao na mahalin ka kahit na alam niya yung
sitwasyon mo at pwede mo siyang iwan sa isang iglap lang. Yung feeling na
gagawin lahat ng isang lalake yung lahat mapasaya ka lang. Makita ka lang
niyang makangiti at masaya na siya na alam niyang ganun ka dahil sa mga
ginagawa niya. Siguro yung tipo lang ng lalake na alam mo na kahit anong
mangyari nandiyan pa rin siya sa tabi mo at kasama mong lumalaban kahit na
minsan eh siya na yung lumalaban para sa’yo. Yung lalakeng hindi ka susukuan.
Isa pa siguro yung
mga kwento sa Wattpad na published na ngayon tulang ng kwento ni Athena at
Kenji ni Ate Bianca na She’s Dating The
Gangster pati yung kay Stephen at Naomi sa Operation: Break Cassanova’s Heart pati na din yung kay Lance at
Miyuki sa Sadist Lover [Trilogy] (Lahat
ng kwentong binanggit ko published na. Yung SDTG si Ate Bianca Bernardino ang
Author while sa OBTCH si Alyloony tapos sa SL si Aril Daine). Siguro pinili ko
yung mga kwentong yan na masasabi kong “ideal lovelife” ko yung sa mga
character kasi halos pare-parehas sila ng simula. From mere strangers to
friends to being lovers to heartbreaks to winning the girl back to everlasting
love. :) Siguro gusto ko lang yung idea na gagawin talaga ng kahit sino yung
lahat para sa pag-ibig. :D
Siguro marami
tayong naiisip na ideal lovelife natin. Marami na rin kasing stereotype na
nagiging basis natin na ayun yung gusto natin. Siguro ako kahit na may mga naisip
akong ideal lovelife ko, meron pa rin sa part ko na kontento na ako sa kung ano
man yung dumating para sa akin. Siguro mahabang biyahe yung tatahakin ko kasama
yung taong mahal ko at kagaya ng mga nasabi ko sa ideal lovelife ko, marami din
kaming pagdadaanan na maaaring maging maganda o masalamuot na karanasan kasama
ang isa’t-isa pero siguro sa isang bagay ako pinaka-sigurado. Sigurado ako na
hindi ako bibitiw hangga’t kaya ko pa at ipaglalaban ko yung taong mahal ko.
Yun naman lagi pagdating sa pagmamahal eh. Tama ba? Hahaha
So… Sa tanong ni
Kuya Marcelo kung ano yung ideal lovelife ko? Ang pinaka-isasagot ko ay…
ANG IDEAL LOVELIFE
KO AY YUNG LOVELIFE NA INSPIRED AT GAWA NI GOD. <3
Eh ikaw ba? :) Ano ideal lovelife mo? :3 Kwento na!!!!! :""""">